Prieto, Joan
G. AB
English IV-A
DREAM
GIRL KO ANG DREAM BOY NIYA
Maghihintay ako sa tunay kong pag-ibig. Maaring hindi pa siya dumating
ngayon, bukas o sa makalawa, ang mahalaga, darating siya.
Isang
simpleng binata, masipag, mabait at mapagmahal sa pamilya ‘yan si Bryan.
Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral at nang sa gayo’y makatulong sa pamilya. Sumali siya sa ROTC
Unit ng aming
Unibersidad
at dito kami naging magkaibigan.
“Hi
budz, ako nga pala si Roi Fuentes,” pagpapakilala ko sa kanya. “ako naman si
Bryan Alcantara budz. Aplikante karin ba?” “Oo budz Bryan, pangarap ko talagang
maging opisyal ng hukbong sandatahan ng Pilipinas eh, ikaw?” “Sumali ako dito
dahil bukod sa makakatulong ito sa pagpapaunlad ng aking sarili, mapapagaan din
ang pangangailangang pinansyal namin. Hindi na masyadong mahihirapan sila papa
at mama sa pagpapaaral sa akin,” “Ah ganun pala. Mabuti ‘yan budz.”
Matapos
ang mahaba-haba pang usapan, sumama na kami sa iba pa naming mga ka buddy at
isa-isa rin namin silang nakilala. Lahat ay may kanya-kanyang pangarap at
layunin sa pagsali ngunit ang pinakahinahangaan ko ay ang kay budz Mira. Gusto
niyang maging opisyal dahil alam niyang marami siyang kayang patunayan at isa
na doon ang lakas ng kababaihan. “Kayang gawin ng mga babae ang ginagawa ng mga
lalaki buddies,” wika ni Mira. “Ganun ba budz? Tingnan natin ang lakas mo sa
training,” sagot naman ni budz Miguel. Nagtawanan sila habang ako, nakatingin lang
kay Mira. Larawan siya ng katapangan. Hindi pangkaraniwang Pilipina –
kahanga-hanga.
Sabay-sabay
kaming naglakad papuntang sakayan patungong Camp Magiting kung saan gaganapin
ang isang buwang pagsasanay. Kasama namin ang ibang senior officers sa jeep at
sila ang naghatid sa amin sa loob ng kampo. Sampung babae at walong lalaki kami
sa ROTC Unit ng aming Unibersidad. Maraming trainees na nagmula rin sa iba’t-ibang
Unibersidad, sa katunayan pa nga, walumpu’t dalawa kaming lahat ng magsasanay.
Maaliwalas
ang paligid sa kampo, maraming puno at malawak ang paligid. Dalawang barracks
ang nasa harap ng ground; ang nasa gitna ay sa mga babae at sa kaliwa ay ang sa
mga lalaki. Nasa gitna ng barracks ng mga babae ang “dining hall” na kung
tawagin ng mga sundalo ay “Messhall”. Dito, sabay-sabay kaming kumakain. Alas
kuwatro pa lang ng madaling araw, gigising na kami at mag-eehersisyo pagkatapos
ay maglilinis ng paligid saka maliligo. Tuwing alas nuwebe ng umaga ay mayroong
leksiyon na ituturo pagkatapos ay drills o mga praktikal na pagsasanay. Ilan
dito ay ang paggamit ng armas, pagbasa ng mapa at paggawa ng reports. Sa gabi
ay mayroon ding leksiyon at bago matulog ay binibilang kami at pinapaalala ang
oras ng paggising.
Isang
linggo na kami sa kampo at marami-rami na rin kaming nakikilala na mula sa
ibang Unibersidad. Isa na rito si Ruth. Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata
ni Bryan sa tuwing papansinin siya ni Ruth ngunit, hindi niya hinahayaang
maging sagabal ito sa konsentrasyon niya. Gayunman, hindi maikakaila ni Bryan
na isa na sa mga inspirasyon niya sa loob si Ruth. Minsan, pagod na pagod na
kami ngunit sa tuwing makikita ni Bryan si Ruth,bumabalik ang sigla sa kanyang
mukha.
Matapos
ang tatlong linggo, nagkaroon ng kasiyahan sa kampo. Nagkaroon kami ng
pagkakataon na makapagsaya kasama ang iba pa naming mga ka-buddy. Maya-maya’y
tinawag kami ni Ruth, “Roi, Bryan, pakinggan niyo ‘ko mamaya buddies, kakanta
ako.” Napangiti si Bryan at tila naging pipi na naman kaya ako nalang ang
sumagot, “Sige budz Ruth, galingan mo ah!”
Isa-isa
nang nag-alay ng mga talento ang mga piling trainees sa harapan at ‘di
katagalan ,lumabas at umawit na si Ruth.
Mr. Dream boy, Mr. Dream boy
Ano kaya ang nasa isip mo?
Mr. Dream boy, Mr. Dream boy
Lagi kang nasa panaginip ko…
Mala-anghel
ang tinig nito at napansin kong tulala na naman si Bryan. “Wow! Buddy, tingnan
mo nga iyang si Ruth, maganda, mabait at talented pa!” sabi ko kay Bryan habang
tinatapik ang balikat nito. “Oo tama ka budz Roi. Napakaswerte ng taong
mamahalin niya.” Sagot naman ni Bryan. “Naku Bryan, tingnan mo! Papalapit dito
si Ruth at tila ikaw ang hinaharana!” napanganga lang si Bryan; hindi
makagalaw. Matapos ang awit, naghiyawan ang lahat. Tuwang-tuwa sina Mira at ang
kasanggang-dikit niyang si Joyce na nasa likuran namin. Sa dulo naman ng aming upuan,
malakas ang palakpakan ng mga kasamahan naming lalaki. May pahawak-hawak pa sa
dibdib ‘tong si Miguel, halatang-halatang kinikilig din.
Natapos
ang gabi ng masaya ngunit talagang nakakapagod. Ito namang si Bryan na nasa
itaas ng barracks ay pangiti-ngiti lang. “Hoy, matulog ka na! Madaling araw pa
duty natin,” sabi ko sa kanya sabay higa sa ibaba ng barracks. “Roi, pag labas
natin, liligawan ko si Ruth. Tulungan mo ako ah,” biglang wika ni Bryan. “Ngayon
pa ‘ko nakaramdam ng ganito. Mahal ko si Ruth at sana mahal di niya ako.”
dagdag pa nito. “Kung talagang mahal mo siya, tutulungan kita. Expert na din
ako sa panliligaw eh! O sya, matulog ka na.” Maya-maya’y sumagi sa isip ko si Mira.
Siya ang namuno sa pag-oorganisa ng buong programa at nagawa niya ito ng maayos.
Ang galing talaga ng dream girl ko. =’)
Dumating
na ang huling araw. Graduation Day na namin sa kampo. Nakuha ni Mira ang
pangalawang pwesto para sa pinakamagaling na magsasanay dahil sa bilis niyang
tumakbo at lakas ng stamina. Ang una at pangatlo ay mula na sa ibang
Unibersidad. Matapos ang seremonya, naghingi-an na ng cellphone numbers ang
aking mga ka-buddy at isa-isa nang nagpaalam. Bakas ang lungkot sa mukha ng
lahat lalong-lalo na kay Bryan.
Text
at facebook ang komunikasyon namin ng aking mag ka-buddy. Minsan, kinikwentuhan
ako ni Bryan tungkol kay Ruth. Napaka sweet magtext nitong si Ruth at kahit ako,
ramdam na may gusto din siya kay Bryan. Makalipas ang ilang buwan, nagdesisyon
na si Bryan at syempre, tinulungan ko siya sa panliligaw, ngunit kagulat-gulat
ang mga nalaman namin nang gabing iyon.
“Bryan,
gusto rin naman kita, kaso lang hindi na pwedeng maging tayo,” wika ni Ruth.
“Bakit
naman? Magagalit ba ang mga magulang mo?”
“Hindi
Bryan. Napakahirap nito pero kailangan kong sabihin. May kasintahan na ako. Nakita
ko sa kanya ang mga katangian na gusto ko sa isang kasintahan. Siguro mali na
maging kami, basta ang alam ko, kailangan kong panindigan ang naging desisyon
ko.”
Naku
talaga nga naman. Dream boy pala ni Ruth. Mas pogi pa ba kay Bryan?
“Sino
ba siya Ruth? Sabihin mo. Ka buddy ba natin? Ayos lang sa akin basta sabihin mo
kung sino.” tanong ni Bryan.
Lagpas
isang minuto na at hindi pa rin nagsasalita si Ruth, nag-iiyakan lang sila ni
Bryan. Hinihintay ko rin ang sagot ni Ruth. Ang tagal talaga! Eto na, sasagot
na yata si Ruth. Huminga siya ng malalim. Sino nga ba Ruth? Sino?!! >.<
“Si
Mira. Isang linggo na kaming magkasintahan,” sambit ni Ruth.
Nanlaki
ang mga mata namin ni Bryan sa sinabi ni Ruth. Nanginig ang mga tuhod ko. Ewan
ko ba, hindi ko akalain na ang dream girl ko, ay ang dream boy niya. (T_T)
Naglakad
kami pauwi ni Bryan. Parehong tumutulo ang mga luha. Walang nagsasalita. Maraming
bagay sa isip ko at alam kong ganun din si Bryan. Mahal ko na si Mira at mahal
na mahal naman ni Bryan si Ruth. First love nga eh, at ngayon pa siya sumubok
manligaw. Ngunit walang kwenta. Hindi pa siguro ngayon, hindi pa ito tunay na
pag-ibig. Tumigil sa paglalakad si Bryan at ganun din ako. Hinawakan niya ang
balikat ko at binigkas ang mga katagang nasa isipan ko rin ng mga oras na iyon;
“Maghihintay ako sa tunay kong pag-ibig. Maaaring hindi pa siya dumating bukas
o sa makalawa, ang mahalaga, darating siya.”
9-7-13




